Part 2 na toooh!!! Woot!!!
Baliwag (totoong Baliwag Na!!!)
Pag baba ko ng bus, WAW, ang ganda, ang kalat, ang ganda ng kalat, parang nag piesta tapos hindi niligpit, nag dagsaan ang mga tao
sagad ang dami nila… feeling ko tuloy ako ang inaabangan nila, para akong santo papa na kaba-baba lang ng eroplano, o sige na artista na ako,
tuloy dedma lahat sila sakin, pag lumingon ako tagos sa kanila yung tingin ko…
natisod ako… konti lang, kung may maka-kita man, di ito halata kse um-acting ako na antok na antok ako, grabe ang mga tao kung sa baguio,
ito ang session road nila, madali kme ng pinsan ko sumakay ng trike (artista pala ha), ang ga-ganda ng mga trike dito, paramihan sila ng borloloy, di katulad dito sa BF, wala silang ibang motto kundi "Trike for Life"
punyeta ok lang sa inyo habang buhay kayo ganyan? ayaw niyo ba mag upgrade sa jeep, or taxi? at kumikita ba kayo sa mga stickers na naka dikit jan? "lose weight? gain muscles?" hanep pano ka maniniwala sa ganun
e ke-baduy ng stickers nila, EWWWW, anyway balik tayo sa baliwag puro neon colors ang naka dikit sa mga trike nila, kung ano ang dekorasyon ng mga elepante sa india ganun din ang mga trike dito…
ayoko pa sana sumakay, kse na-imagine kong tumingala at umikot na parang trumpo habang naka-angat ang dalawa kong kamay, parang yung mga nasa palabas, minsan kumakanta, minsan galit na sumisigaw.
ako feel kong umikot… miski na alam kong kaka-galing ko lang sa opisina, at antok na antok na ako.
pero hinde, wala nang panahon… naalala ko na-tatae pala ako, bat kse kumain pa ako sa opisina e, hindi kse ako maka gebs dun dahil 1. iba ang kamandag ng gebs ko, bka di ito makayanan ng mga ka-opisina ko
2. may multo sa ibang floors, di na uy… titiisin ko nalang to. conting concentration lang to at muscle control.
kaya sumakay narin ako ng trike, habang tinitiis ko ang sakit ng pagkaka-upo ko, (di ko alam kung ako ba ang malaki, o maliit ang trike?!?… Aminin!!)
tinitignan ko ang mga tanawin, sus 4 o 5 na likuan lang andun na kami sa bahay ng tita ko. ni wala akong natanaw.
Ang Bahay ni Auntie Piching:
pag baba-palang kme ng trike sinalubong kaagad kme ng "andito na silaaa!!"
bumati ako sa tita Piching ko, di ko alam kung bakit "Piching", pero kse tawag niya sa mama ko "Pecot" e, ewan ko ba sa magkapatid na yun, di pa ako nakaka-pasok ng pinto naka-tanggap na ako kaagad ng house rule, bawal ipasok ang tsinelas at sapatos sa loob ng bahay
sagot naman ako ng opo, hinubad ko sapatos ko at naglakad ng pinapadulas ang paa ko sa sahig, ayaw ko kse mapansin nila na butas ang ilalim ng medyas ko, di naman kse ako nagtatanggal ng sapatos sa office e kaya ok lang mag suot ng bulok na medyas, oo na sige na eto pa isang revelation
kaya ako natutulog sa pantry ng naka sapatos bwahahahaha =) di ko naisip na magkaka-ganito… parang dati sa isang japanese restaurant… pero ibang kwento na yun.
derecho kme sa hapag kainan, nakita ko si joyce, kumakain, inalok kme kumain, tatanggi sana ako kaya lang, ang sarap ng pagka-ka hain ng mesa e
longganisa (Bawang), at isa pang klaseng longganisa na Matamis… tinimplahan pa ako ng kape, paraiso ba to?!? sa kalagitnaan ng katakawan ko
naisip ko ermats ko, tawagan ko nga, mas paranoid pa sha kesa sakin e, habang hina-hanap ko ang number mama ko sa cell, umulan ng kantiyaw galing sa tita ko "sino tatawagan mo?!? girlfriend"
sa isip ko "Sana lang noh" pero nung narinig nila "ma, andito na kme", napa-ngiti nalang ako… ayoko na mag ilusion. ayun nagkwento lang ako sa nanay ko, at in-inggit ko lang sha sa longganisa
sabay hirit sakin ng nanay ko "maligo ka ha" , "oo naman" sagot ko sa nanay ko, isa kse ako sa mga bata na mahilig tumakbo nung bata, tumakbo pag oras na maligo, mama hindi na ako bata, kung dati hindi ako naliligo
ngayun 1 beses na sa isang araw, sabi niyo noon kelangan mag tipid diba? ang tipid kaya natin sa tubig ngayun, lalo na sa sabon, kalbo pa ako so exempted na ang shampoo, haahaha joke lang
tapos nun nag yosi na kme sa garahe, sabi sakin ng tita ko "sabihin niyo sakin kung maliligo na kayo ha, para ituturo ko kung saan ang banyo nyo at kung san kayo matutulog"
pag tapos ng ritual ng paninigarilyo pagkatapos kumain, nag balak ako maligo, binanggit ko na maliligo na ako, hinatid ako ng tita ko sa taas, itinuro niya sakin kung saan ang sabon, shampoo, at toothpaste.
itinuro rin niya kung saan ang higaan namin, may sarili kaming unan, twalya at kumot, hanep ok lang pala kung damit lang dala ko e, solb ka na sa mala-hotel accomodations dito, kulang nalang mag patong sha ng chocolate sa unan e…
di na ako naka-ligo, natulog nalang ako, mamaya na ako maliligo pagka-gising, ok lang yun binalak ko lang naman maligo e, di ko naman sinabi na maliligo na ako.
nagising ako ng mga 1:30, 3:00pm daw ang kasal, bumaba ako, at hanep, tanghalian na, kumain bago matulog at kumain nanaman ako pagka-gising
at ayan na sina ate carrie (pinsan ko rin) at Din (asawa ni ate Carrie), mga bagong gising tulad ko, kamustahan, usapang pagkain,
ganito kami mag pasahan ng impormasyon, kung may na-discover kang pagkain, masarap na kainan, at mga lugar na wag kakainan i-share mo.
2:00 na, di ko namalayan ang oras, naubos ang oras sa ka-ke-kwento, nangangati na ako, di pa ako naliligo simula kahapon… sinundo kse ako ng pinsan ko sa opisina
kaya ayun nag balak na ako maligo, eto na ang banyo, na-alala ko na ge-gebs pala ako, pag upo ko palang sa trono, hindi na kinilala ng pwet ko yun inidoro e
di ko man lamang sila narinig mag hi at hello, basta bulwak kagad ang gebs ng magaling niyong manunulat, bigla naman nagkantahan ang mga anghel sa langit ng
makapa ko ang pang-bukas ng bidet, at oo maliligo na talaga ako. sa wakas.
kumuha ako ng damit sa bag ko, tshirt, medjas at huh?!? anak ng… di ko alam kung sasabihin ko pa ito sa inyo pero… sige na nga!!!!
naiwan ko brief ko… Potaness, sa lahat ng maiiwan yun pa, sa kama-madali kong mag impake ng gamit, yun pa ang di ko inisip, pero ok lang yan! tanggapin nalang natin na hindi sa lahat ng oras panalo ka,
lalake ako, wala nang isip isip, side A ako kahapon, side B naman ngayun (kabaliktaran ng Side A), at Commando bukas (sabihin na natin Aircon sa loob ng shorts).
solb nanaman ang problema ko, pakiramdam ko isa ako sa mga commercial ng Mentos, naalala niyo yun?, anyway naka bihis na ako, bumaba ako na taas noo, parang normal at walang sikretong tinatago
para akong may putok na nakapag lagay ng rexona, o kaya naman meron ako pero buti nalang may whisper with wings, alam niyo yung feeling na yun? with confidence kumbaga
umuulan pa, baha sa labas ng bahay ng tita ko, 5 minutes palang umuulan baha na kagad? wala ba kayong dandy products?!? hahaha, Hi Dandy team =) kumbaga sa movies, may Cameo Appearance pa, di ko naman kasalanan kung dumadagdag fans ko noh! (naramdaman niyo yun? hangin ko yun!)
nakita ko pinsan ko naka bihis, shempre di maipag-ka-kaila maganda sha devah. mashado atang bihis to para sa isang civil wedding…
naka- tshirt lang ako at pantalon, pero shoot na yan cute naman ako e =) BWAAHAHAHHA
nagsi-sakayan na kme sa sasakyan at patungo na kme sa kasal,
End of Part 2: (pasensha na Trilogy kse to e, bleh)
Part 3
Ang Kasal
at ang Inuman After ng Kasal